Patakaran sa Pagiging Pribado
Ang patakaran sa pagiging pribado na ito ay gagamitin para sa Software ng Facemoods at ang bawat kaugnay na mga Web sites (ang "Web Sites") na pinapanatili ng Facemoods ("kami" or "tayo"). Sa pangyayaring may pagkakasalungatan sa pagitan ng patakaran sa pagiging pribado na ito at ng patakaran na nakalista sa isa sa ibang Web Sites, ang patakaran na ito ay nararapat na mamahala.
Hindi kami kumukolekta ng mga personal na impormasyon kabilang ang mga pangalan, mga numero ng tirahan o ng telepono . Kinukolekta namin ang kailangang impormasyon para mapagana ang ilan sa mga katangian ng Facemoods (tulad ng Salin ng iyong Instant Web based messengers). Hindi namin binibenta, ipinapaupa o ipinagpapalit ang anumang makikilalang impormasyon na iyong ibinibigay kapag gumamit ng Facemoods or ng Web Sites.
Kusa naming tinitipon ang tiyak na impormasyon tulad ng direksiyon ng internet protocol (IP) , ahente ng gumagamit ng browser, tumutukoy na pahina, tatak ng petsa/oras at mga cookies. Ginagamit namin ang nasabing impormasyon para masuri ang takbo, pangasiwaan ang site, masubaybayan ang mga galaw ng mga gumagamit sa site at magtipon ng demograpikong impormasyon para mas mapabuti ang aming mga serbisyo.
Kapag bumibisita ka sa mga Web Sites ng Facemoods, maaari kaming maglagay ng maliit na teksto na tinatawag na "cookie"-sa iyong kompyuter na nagpapahintulot sa amin na mapagbuti ang kalidad ng aming serbisyo, at para maitabi ang iyong mga gusto at mga pagkakaayos. Mahalaga, na ang cookie ay hindi nagpapahintulot sa amin na makakuha ng anumang makikilalang impormasyon (tulad ng iyong tunay na pangalan o tirahan) maliban na lang kung tiyak kang nabigay ng impormasyon na ito kapag gumagamit ng mga Web Sites o ng Software. Ang katangian sa paghahanap ay nagpapadala ng kahilingan sa aming mga servers habang pinoproseso ang isang tanong sa paghahanap na iyong inilagay. Ang kahilingan na ito ay kinabibilangan ng tanong sa keyword, pinagkukunan (Toolbar, IE bar, kaugnay na mga link, atbp…) at lahat ng datos ng HTTP na kusang inilipat ng browser (Direksiyon ng IP, Ahente ng Gumagamit, mga Cookies, atbp…). Ginagamit namin ang impormasyon na ito para maayos na maproseso ang iyong kahilingan sa paghahanap. Halimbawa, ang datos na ito ay nagbibigay sa amin ng impormasyon kung aling wika ang iyong nais na gamitin at ang iyong heograpikong lokasyon. Ang impormasyon na ito ay itinatala sa isang hindi personal na makikilalang basehan at pinapanatiling walang pangalan.
Kung ang anumang Web Sites o Software ay ibinenta o ang lahat o ang kalahatan ng mga bagay na mahalaga na umuugnay sa isang Web Site o Software ay inilipat sa iba, maaari naming ilipat ang lahat ng impormasyon na iyong ibinigay o kinolekta mula sa iyo, kabilang ang personal na makikilalang impormasyon, para matiyak ang pagpapatuloy ng iyong serbisyo. Ipapaalam namin ang impormasyon, kabilang ang personal na makikilalang impormasyon, datos na nakuha ng mga cookies, at ibang datos, na nangangailangan ng subpena, kautusan sa pagharang o ibang prosesong ayon sa batas. Kami rin ay naglalaan ng karapatan na ipaalam ang impormasyon na ito kung sa aming paniniwala, sa aming nag-iisang paghusga at sa saklaw na alinsunod sa magagamit na batas, na ang pagpapa-alam na ito ay kailangan para maprotektahan ang mga karapatan o kaligtasan ng iba o para ipatupad, o maprotektahan ang aming mga karapatan sa ilalim, ng Kasunduaang ito.